Ang
serbesa (
Ingles:
beer) ay isang uri ng inuming nakakalasing. Sa salitang balbal, tinatawag din itong
bruwski at
erbaks. Bukod sa mga handaan sa tahanan, karaniwang isinisilbi ito sa mga
serbesahan o
bar, isang pook na nagbebenta ng mga serbesang nakabote o nakalata. Nililikha at niluluto ang mga serbesa sa
serbeseria (
brewery sa Ingles) - na tinatawag ding
serbesahan - ang gawaan ng mga inuming serbesa.