Ang
serotonin o
5-hydroxytryptamine o
5-HT ay isang monoaminong
neurotransmitter na nabubuo mula sa tryptophan. Ang serotonin ay pangunahing matatagpuan sa
gastrointestinal, platelet, at sa gitnang
sistemang nerbiyos (CNS) ng mga
hayop kabilang ang mga
tao. Ang serotonin ay nagpapagana(activate) ng pitong
reseptor na 5-HT na matatagpuan sa
membrano ng mga
neuron. Ang pagpapaganang ito ng mga reseptor na 5 HT sa
neuron ay responsable sa magandang pakiramdan at sa kasiyahan sa isang tao. Ang pangunahing pinagmumulan ng serotonin sa
utak ng tao ang raphe nuclei.