Ang
serbidor ay isang
kompyuter na dedikado sa paglalaan ng isa o maraming serbisyo sa ibabaw ng
lambat-lambat pang-kompyuter, na karaniwa'y sa pamamagitan ng rutinang hiling-sagot (
request-response). Ang mga serbisyong ito ay binibigay ng mga natatanging aplikasyong panserbidor, na ay mga programang pang-kompyuter na dinisenyo upang mag-asikaso sa maramihang sagot. Ilan sa mga halimbawa ng aplikasyon ng serbidor ay ang mga serbidor pang-koreo, mga serbidor pantalaksan, mga serbidor pang-web at mga serbidor pantambag.