Ang
pagkapukaw na seksuwal o
pagkaantig na seksuwal ay ang "pagkagising" ng damdaming seksuwal o pagkautog. Ito ang "pagkabuhay" o pagkanaudyok, pagkanabuyo, o pagkanasulsulan na humahantong sa pagkakaroon ng
pagnanasang seksuwal, habang nagaganap o habang inaasahan ang
gawaing seksuwal. Tinatawag na
estimulong erotiko ang mga bagay na nakabubuo, nakabubuyo, o nakapagsusulsol ng
seksuwal na pagkapukaw o
seksuwal na pagkaantig. Kolokyal itong tinatawag na mga
pampagana o
pampaandar (ng
kalibugan), katumbas ng
turn-on sa Ingles. Maraming mga maaaring maging estimulo, kapwa pisikal o mental, na nakapagsasanhi sa isang tao upang malibugan. Karaniwang humahantong ang
seksuwal na pagkaantig sa mga pagbabagong pisyolohikal sa naantig na tao, na ang ilan sa mga ito ay malinaw, hayagan, at malinaw; habang ang iba ay mas banayad o hindi gaanong halata.