Ang
kabibe,
kabibi,
kapis, o
sigay ay isang uri ng matigas at pamprutektang panglabas na
balat, kaha, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba't ibang mga
hayop, kabilang na ang mga
moluska,
trepang,
krustasyano,
pagong,
pawikan, at iba pa. Ilan pa sa partikular na mga halimbawa ng mga hayop na may kabibe ay ang mga
kuhol,
tulya,
tahong, at
talaba. Tinatawag din ang kayarian ng kabibe bilang eksoskeleton o eksoiskeleton (literal na "panlabas na
kalansay"), talukab, talukap, at peltidyum.