Sa
anatomiya ng
tao, bumubuo ang
hugpungan ng balikat (Ingles:
shoulder joint) sa bahagi ng katawan kung saan dumirikit ang
humero sa
paypay. Tumutukoy ang
balikat (Ingles:
shoulder) sa pangkat ng mga kayariang nasa rehiyon ng hugpungang ito. Binubuo ito ng tatlong mga buto: ang
balagat (
buto ng kuwelyo), ang paypay (
iskapula o "
talim ng balikat"), at ang humero (buto ng pang-itaas na bisig), pati na ng kaugnay na mga
masel, mga
ligamento, at mga
tendon. Ang mga artikulasyon o hugpungan sa pagitan ng mga buto ng balikat ang bumubuo sa mga hugpungan ng balikat.