Ang
sikolohiyang kognitibo,
sikolohiyang pangkognisyon,
sikolohiyang pangpagtalos,
sikolohiya ng pag-alam, o
sikolohiyang pangpaglilimi (Ingles:
cognitive psychology, literal na "sikolohiya ng mga napag-aaralan ng isipan" o "sikolohiya ng mga pumapasok sa isipan") ay isang sangay ng
sikolohiya na tumitingin sa payak na mga galaw ng isipan, katulad ng paglunas ng suliranin,
alaala (
memorya), at
wika. Pinakakaraniwang tinitingnan ng mga sikologong kognitibo ang mga pagbabagong mental o pang-isipan na naganap pagkaraan ng isang estimulo (mga bagay na maaaring madama ng limang
pandama) at bago ang isang
tugong pang-ugali (kung ano ang ginagawa ng isang tao pagkaraang makadama ng isang bagay). Nagkaroon ng mga simulain ang
kognitibong sikolohiya sa sikolohiyang Gestalt nina Max Wertheimer, Wolfgang Köhler, at Kurt Koffka, at sa loob ng mga gawa ni Jean Piaget, na nakaisip ng isang
teoriya ng mga "yugto" na naglalarawan ng kognitibong pag-unlad ng mga bata.