Ang
gago [lalaki] o
gaga [babae] (
Ingles:
stutterer,
stupid,
simpleton,
fool,
idiot) ay tumutukoy sa isang taong may labis na katangahan na may katorpehan. Tumutukoy din ito sa isang taong
pautal-utal kung magsalita at
nalilito, partikular na kapag kinakabahan o ninenerbiyos. Kung minsan, ginagamit din pamalit dito ang
tange,
tanga,
tonto,
tonta,
estupido, at
mangmang. Subalit dapat tandaan na may pagkakaiba ang isang
tunay na mangmang sa isang taong hindi lang marunong sumulat at bumasa, sapagkat maaaring magkaroon ng karunungan o kaalaman ang mga hindi marunong bumasa o sumulat. Bagaman may pagkakaiba, iniiwasan ang paggamit ng mga salitang ito, sapagkat katulad ng salitang
mangmang na katumbas ng
illiterate sa Ingles o
hindi marunong bumasa at sumulat, nagpapahiwatig din ito ng katangahan o walang kaalaman at karunungan ng isang
tao. Ayon kay
Juan Flavier, may taong mas gugustuhin pang matawag na
ulol kesa masabihang mangmang o tanga sapagkat may kasabihan ang mga matatanda na nagpapahiwatig na "may pag-asa" pang gumaling o bumait ang mga nauulol o nababaliw, samantalang wala nang pag-asa pa ang isang tanga. Kabilang pa sa mga salita o pariralang katumbas ng gago ang
mulala,
lula,
utu-uto,
taong kulang-kulang ang pag-iisip,
tanghol,
tunggak,
hangal,
maang,
gunggong (huwag ikalito sa
gonggong), at pati na rin sa taong
tulala.