Ang mga
silahis gamma, tinatawag ding
sinag gamma,
aninag gamma,
banaag gamma,
liwayway gamma,
alinagnag gamma,
bakas-rayang gamma, o
rayos gamma (Ingles:
gamma ray o γ-ray) ay mga alon o daluyong na elektromagnetiko na may pinakamaliit na liboyhaba sa ispektrong elektromagnetiko. Natuklasan ito ni Paul Villard noong 1900, at pinangalanan ni
Ernest Rutherford noong 1903.