sinagoga


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sinagoga
Ang sinagoga (Ebreo: בית כנסת, bet kneset, "bahay ng pagtitipon") ay isang bahay-dasalang Hudyo o isang kapilyang pinagdarausan ng pagsamba at pagpupulong. Hinango ito sa wikang Griyegong nangangahulugang "magtipon" o magsamasama. Nagtitipun-tipon ang mga Hudyo sa loob ng mga gusaling ito upang sambahin ang Diyos at para magbasa ng Banal na Kasulatan, partikular na tuwing araw ng Sabat. Dito rin nila pinag-aaralan ang mga Kasulatan. Ginagamit din ito ng pamayanang Hudyo bilang pook ng pagtuturo o pangangaral sa mga kabataang Hudyo. Bukod dito, isa rin itong sentro o gitna ng buhay panlipunan o sosyal ng mga Hudyo. Ang namamahala ang sinagoga ang maaaring mang-anyaya ng sino man sa mga tao upang mangaral sa kanila.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.