sinaunang Ehipto


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sinaunang Ehipto
Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang makabagong bansa ng Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC kasama ang politikal na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo. Naganap ang isang sunod-sunod na matatag na panahon, na tinatawag na mga kaharian, na nahahati sa mga kaugnay na hindi matatag na panahon na tinatawag na mga Panahong Nasa Pagitan (Intermediate Periods). Pagkaraan ng matapos ang huling kaharian, kilala bilang Bagong Kaharian, pumasok ang kabihasnan ng lumang Ehipto sa isang panahon ng mabagal, walang pagbabagong paghina, noong mga panahon na sinasakop ng sunod-sunod ang Ehipto ng banyagang kapangyarihan. Opisyal na natapos ang paghahari ng mga paraon noong 31 BC nang sakupin ng naunang Imperyong Romano ang Ehipto at ginawang isang lalawigan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.