Ang
Sinaunang Ehipto,
Matandang Ehipto, o
Lumang Ehipto ay isang matandang
kabihasnan sa silangang
Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng
Ilog Nilo na kung saan naroon ang makabagong bansa ng
Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC kasama ang politikal na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang
paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo. Naganap ang isang sunod-sunod na matatag na panahon, na tinatawag na
mga kaharian, na nahahati sa mga kaugnay na hindi matatag na panahon na tinatawag na mga Panahong Nasa Pagitan (
Intermediate Periods). Pagkaraan ng matapos ang huling kaharian, kilala bilang Bagong Kaharian, pumasok ang kabihasnan ng lumang Ehipto sa isang panahon ng mabagal, walang pagbabagong paghina, noong mga panahon na sinasakop ng sunod-sunod ang Ehipto ng banyagang kapangyarihan. Opisyal na natapos ang paghahari ng mga paraon noong 31 BC nang sakupin ng naunang
Imperyong Romano ang Ehipto at ginawang isang lalawigan.