Ang
sink (,
Ingles:
zinc) ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperatura. Nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya't ginagamit bilang sangkap sa mga
aloy o
balahak na katulad ng
bronse at bras o
tansong dilaw. Ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan. Naibukod ni Andreas Sigismund Marggraf ang elementong ito noong
1746.