Sa pangkalahatan, ang
Araling Intsik,
Araling Tsino, o
Sinolohiya (Ingles:
Chinese studies,
Sinology) ay ang pag-aaral ng o hinggil sa bansang
Tsina at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa Tsina, subalit maaari ring tumukoy sa pag-aaral ng wika at panitikang klasiko, at ang pagharap na pilolohikal. Ang pinagmulan nito ay maaaring bakasin sa pagsusuri na isinagawa ng mga iskolar na Intsik hinggil sa kanilang sariling kabihasnan. Sa ibang pananalita, ang Sinolohiya ay ang pag-aaral ng mga wika at kulturang Intsik na kasama ang kaugnayan at paghahambing sa pagitan ng Tsina at iba pang mga kalinangang Asyano. Sa diwang pang-etimolohiya, ang
Sino- ay hinango magmula sa Panghuling Latin na
Sinae, na nagmula sa Griyegong salitang
Σίνα o
Sinae na may kahulugang
Tsina, na nagbuhat naman magmula sa
Arabeng Sin, na maaaring nahango mula sa
Qin na tumutukoy sa
Dinastiyang Qin. Samantala ang
Sino- ay dinugtungan ng Griyegong salitang -
lohiya na nagmula sa
-λογία na nangangahulugang
tratado,
pag-aaral, o
agham.