Ang
sipaang bola ay anumang laro na ginagamitan ng mga
paa para tirahin ang bola. Ilang halimbawa nito ang
sipa na ginagamitan ng bolang
ratan (ang sepak takraw) at
soccer. Sa
Pilipinas, tumukoy din ang sipaang bola sa isang larong pambata na may pagkakahawig sa
beysbol ngunit, sa halip na may pamalong hawak ng kamay, ang paa ang tumatadyak sa bola bago makatakbo ang mga manlalaro sa mga estasyong himpilan sa isang palaruang hugis
diyamante.