Ang
sistemang panunaw o
sistemang dihestibo ay ang
organong pangsistema na tumutunaw at sumisipsip sa mga sustansiya na natatanging kailangan sa paglaki at pagpapanatili. Kabilang sa sistemang panunaw ang
bibig,
esopago,
sikmura,
lapay,
atay,
apdo,
duodenum (ang
tokong),
hehunum,
ileum, mga
bituka,
tumbong, at
butas ng puwit. Kaugnay ng sistemang ito ang katagang
gastrointestinal na tumutukoy o may kaugnayan sa
pitak gastrointestinal (
gastrointestinal tract sa Ingles) o
pitak panunaw (
digestive tract sa Ingles, ang
dihestibong pitak) at kinabibilangan din ng
tokong,
isaw, at mga
bituka.