Ang sistemang endokrina (Ingles: endocrine system) ay isang pinag-sanib na mga maliliit na mga organo na kaugnay sa pagpapalabas ng mga pang-hudyat na mga molekyul na mula sa labas ng mga selula at tinatawag silang mga hormon. Nakatutulong ang sistemang endokrin sa pagpapanatili ng metabolismo, sa paglaki at pag-unlad ng tao, sa tungkulin ng mga tisyu), at may tungkulin din sa emosyon. Ang larangan sa panggagamot na may kaugnayan sa mga karamdaman ng mga glandulang pang-endokrin ay ang endokrinolohiya, isang sangay ng mas malawak na larangan ng panloob na medisina.