Ang
sistemang imyuno o
sistemang panlaban o
sitemang pangsanggalang o
sistemang pananggalang (
Ingles:
immune system) ay isang kaluponan ng mga mekanismong nagbibigay proteksiyon laban sa mga
karamdaman sa pamamagitan ng pagkilala at pagpatay sa mga patohen at mga selulang lumilikha ng mga bukol. Nakakapuna ang mga ito ng malawakan at magkakaibang mga
ahente, mula sa mga
birus hanggang sa mga bulating parasitiko, at kailangang maipagkaiba ang mga ahenteng ito mula sa mga malulusog na
selula na pag-aari ng kaniyang sariling pangangatawan at maging mula sa kaniyang mga pansariling mga
tisyu, upang ganap na maisagawa ang kaniyang mga tungkulin. Masalimuot ang kakayahang pumunang ito sapagkat nasasanay ang mga manlulusob at
nakapagpapalago ng mga maraming mga pamamaraan upang matagumpay na malusob ang
punong organismo.