sistemang integumentaryo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sistemang integumentaryo
Sa sootomiya, ang sistemang integumentaryo o pamamaraang pangsangkabalatan ay isang panlabas na takip ng katawan, na binubuo ng balatbuhok, mga balahibo, kaliskis, mga kuko, mga glandulang pampawis at ang kanilang mga bunga (ang pawis at mucus). Maraming magkakaibang mga tungkulin ang sistemang integumentaryo: sa mga hayop, nagsisilbi ito bilang mga panlaban sa pagtagos ng tubig, mga malalambot na saping nagsasanggalang sa mga nakapailalim na mga tisyu, mga tagapaglabas ng mga dumi, mga tagapagpanatili ng temperatura, at bilang mga lokasyon ng mga pandama ng sakit, presyon at temperatura. Hinango ang pangalan ng sistema mula sa wikang Lating integumentum na ang ibig sabihin ay "isang takip".

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.