Ang
pamamaraang parlamentaryo ay kilala rin bilang
parlamentarismo, ay makikilala sa pamamagitan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan na nakadepende sa tuwiran o hindi tuwirang suporta ng
parlamento, na karaniwang ipinararating sa pamamagitan ng boto ng tiwala. Samakatuwid, walang tuwirang paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng mga
tagapagpaganap at tagapagbatas na sangay (lehislatibo), na naghahatid sa magkaibang pagtatakda sa paraan ng mga paninimbang at pagsusuri sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kung ihahambing sa mga nakikita sa isang
republikang may
pangulo. Ang mga sistemang parlamentaryo ay karaniwang may malinaw na batayan ng pagkakaiba sa pagitan ng
pinuno ng pamahalaan at ng
pinuno ng estado, kung saan ang pinuno o pangulo ng pamahalaan ay ang
punong ministro o primero, samantalang ang pinuno ng estado ay kadalasang ang hinalal (ng mga mamamayan o sa pamamagitan ng parlamento) na pangulo o namamanang
maharlika. Hinihirang ang pangulo ng estado bilang isang pangulo sa titulo lamang na may maliit o sermonyal na kapangyarihan.