Ang
siyanuro o
cyanide ay isang
kompuwestong kimikal na naglalaman ng
pangkat na siyano -C=N, na binubuo ng isang atomong
karbono na tripleng nakakawing sa isang atomong
nitroheno. Ang mga siyanuro ay pinakakaraniwang tumutukoy sa mga asin ng anion na poliatomikong CN
- na isoelektroniko sa
monoksidong karbono at sa
nitrohenong molekular. Ang karamihan ng mga siyanuro ay labis na nakakalason.