Ang
slide rule na kilala sa Estados Unidos bilang
slipstick, ay isang mekanikal na
analogong kompyuter. Ang slide rule ay pangunahing ginagamit para sa
multiplikasyon at
dibisyon gayundin para sa mga ugat, mga
logaritmo at
trigonometriya ngunit hindi normal na ginagamit para sa
adisyon o
subtraksiyon. Ang mga slide rule na minapaktura para sa mga espesyalisadong larangan gaya ng abiasyon o pinansiya ay tipikal na nagpapakita ng mga karagdagang iskala na tumutulong sa mga kalkulasyon karaniwan sa larangang ito. Pinaunlad nina William Oughtred at iba pa ang slide rule noong ika-17 siglo batay sa umaahon na gawa sa mga
logaritmo ni
John Napier. Bago ang pagdating ng mga
kalkulador, ang slide rule ang pinakakaraniwang ginagamit na kasangkapan ng pagkukwenta sa
agham at
inhinyerya. Ang paggamit ng mga slide rule ay patuloy na lumago noong mga 1950 at 1960 kahit pa unti unting ipinapakilala ang mga
kompyuter. Gayunpaman, noong mga 1974, ang pagdating ng mga kalkulador na siyentipiko ay gumawa ritong malaking hindi na ginagamit..