Ang
ngiti o
ngisi ay isang anyo, bikas, hilatsa, o hitsura ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa kapag
masaya siya. Maraming dahilan kung bakit ngumingiti ang isang tao, katulad ng kapag may ibang taong nagsabi ng nakakatawang biro o pagngiti dahil sa pagkuha ng larawan o litrato. Subalit minsan ding ngumingiti ang tao upang maikubli o maitago ang isang nakakahiyang damdamin. Karaniwang nagagamit ang ngiti bilang tanda ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili, pagsang-ayon, o sagisag ng
katuwaan. Paminsan-minsang ipinakikita ng mga hayop ang kanilang mga ngipin o pangil, tinatawag na sangil upang magpadama o magpakita ng
takot o
kapangyarihan. Sa mahigpit na kahulugan, ang
ngisi ay isang maluwang na ngiti at katumbas ng
ngisngis.