Ang gawaing panlipunan (Ingles: social work) ay isang propesyon o larangang nakatuon at nakalaan sa pagsusumigasig na makakamit ng katarungang panlipunan, sa kalidad ng buhay, at sa pagpapaunlad ng buong potensyal ng bawat isang tao o indibiduwal, pangkat at pamayanan sa loob ng isang lipunan.