Si
Apollo o
Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika sa
mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki ni
Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang
Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni
Artemis. Apollo rin ang tawag sa kanya sa
mitolohiyang Romano. Binabansagan din siyang
Phoibos o
Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa
araw o bilang diyos ng araw na si
Helios sa Griyego o
Sol sa Romano. Kilala siya ng mga
Etruskano bilang
Apulu o
Aplu.