Ang
sonang nakaaantig,
sonang nakakaantig,
sonang nakapagpapaantig,
sonang nakapupukaw,
sonang nakabubuyo,
sonang nakapag-uudyok,
sonang nakauudyok,
sonang nakadadarang,
sonang nakahihikayat,
sonang nakapagpapalibog,
sonang nakapagpapahalay o
sonang seksuwal (Ingles:
erogenous zone) ay anumang mga bahagi sa katawan na kung hihipuin ay nakapagdudulot ng pagkadama ng pagkalibog. Laging tahasang kabilang sa mga pook na ito sa katawan ang mga kasangkapang pangkasarian o henitalya. Kilala rin bilang
sonang erohenosa (Ingles:
erogenous zone, mula sa Griyegong ἔρως
eros o "pag-ibig" at Ingles na
-genous o "nakagagawa" mula sa Griyegong -γενής
-genes o "ipinanganak") ay isang lugar o pook sa
katawan ng tao na may matindi, maigting, o masidhing sensitibidad o kaselanan, na ang istimulasyon o pag-udyok (paggising ng pakiramdam) nito ay maaaring magresulta sa produksyon ng sensasyong erotiko (pantasyang seksuwal) o kasiglahang seksuwal.