sopwer na pang-aplikasyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sopwer na pang-aplikasyon
Sa wikang pangkompyuter, ang sopwer na pang-aplikasyon o application software ay isang programang pangkompyuter na nagsasagawa ng mga tiyak na uri ng mga itinakdang gawain. Tinatawag din itong computer software at software application. Bilang halimbawa, isang uri ng application ang word processor na Microsoft Word na nagpoproseso ng mga salita at titik na ginagamit para sa mga dokumentong may teksto. Bukod sa word processor, halimbawa din ng application software ang mga spreadsheet at mga media player.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.