- Tungkol ito sa isang hayop, para sa kathang-isip na tauhan, tingnan ang Zorro (komiks).
Ang
soro (
Ingles:
fox,
Kastila:
zorro [pinagmulan ng
soro]) ay isang
hayop na kabilang sa kahit anumang isa sa 27 mga
uri (labindalawa lamang sa mga ito ang tunay na kabilang sa saring
Vulpes, o "mga totoong soro") ng maliliit hanggang hindi kalakihang mga
canid, na karaniwang may mahahaba ngunit may makikitid na mga
nguso, at mapalumpong na mga buntot. Sa ngayon, pinakakaraniwan at pinakalaganap ang mga uri ng sorong tinatawag na pulang soro (
Vulpes vulpes), bagaman may iba't ibang mga uring matatagpuan sa halos lahat ng mga kontinente. Nagbunga ang pagkakaroon ng mga wangis-sorong mga
karniboro sa kabuoan ng
globo sa paglitaw nila sa mga
tanyag na kalinangan at mga
kuwentong-bayan ng maraming mga nasyon, tribo, at ibang pangkat pangkalingan.