Ang
sinuso (literal na "pinag-anyong
suso"; Ingles:
spiral), tinatawag ding
papilipit,
paikot,
pilipit,
anyong-suso,
paikid,
ikid, o
likaw ay isang natatanging kurba, liko, o pagbaluktot sa larangan ng
matematika. Nagsisimula ang pagkurbang ito mula sa isang pangunahing tuldok o lugar, na sumusulong na papalayo habang umiikot o umiinog sa paligid ng isang punto o tuldok. Samakatuwid, matapos na magsimula sa isang lugar, pumapalibot o pumapaikot ito sa lugar na iyon, subalit palayo nang palayo mula sa lugar na iyon. Kaiba ito mula sa isang
bilog, na palaging nasa katulad na layo o distansya. Kaiba rin ito mula sa isang tambilugan. Ang isang hugis na sinuso ay isang "bukas" na kurba, hindi katulad ng mga bilog at ng mga tambilugan na tinatawag na mga nakasarang kurba.