Ang
pali (Ingles:
spleen) ay isang malaking glandulang nasa loob ng
tiyan. Kabilang sa ilang mga trabaho o gawain ginagampanan nito ang paggawa ng mga puting dugong selula upang makapananggalang o makalaban sa mga
bakterya, at para rin sa pagdurog o pagwasak ng mga sirang pulang dugong selula. Ito rin ang parte ng katawang sumasala at nagpapaimbak ng dugo. Tinatawag din itong
limpa. Sa ilang sanggunian, natatawag din ang glandulang pali bilang "
apdo" bagaman mayroong tunay at nakahiwalay na organong apdo ang katawan.