Sa pagsasanay na pagpapalakas, ang
talungko,
pagtalungko, o
iskwat (Ingles:
squat,
hunker, katulad ng sa pariralang
"on one's hunkers"; naiiba ito sa pamamahingang
nakatalungko, paglupagi, pagtingkayad, paglupasay; huwag ding ikalito sa gawain na pamamalagi sa lupang pag-aari ng ibang tao, katulad ng ginagawa ng mga "
iskwater") ay isang
ehersisyong langkapan at pambuong katawan na pangunahing nagsasanay ng mga
kalamnan ng mga
hita, mga
balakang, at
kalamnang pampuwitan, mga kalamnang kwadrisep (
vastus lateralus medialis at
intermedius),
litid sa alak-alakan, pati na ang pagpapatibay o pagpapalakas ng mga
buto, mga
ligamento at mga paglalakip ng mga
tendon sa kabuuan ng pang-ibabang katawan. Ang mga uri ng pagtalungko ay itinuturing na isang mahalagang ehersisyo para sa pagpapataas ng lakas o kapangyarihan at sukat ng binti o
biyas at
puwitan, pati na ang pagpapaunlad ng tibay ng kaibuturan. Sa pang-isometriya, ang
pang-ibabang likod, ang pang-itaas na likod, ang mga
pangtiyang kalamnan, ang mga kalamnan ng
punungkatawan, ang mga kalamnang pangtadyang, at ang mga
balikat at mga
bisig ay mahalagang lahat sa ehersisyong ito, kaya't nasasanay kapag tumatalungko na may angkop na kaanyuan sa pagsasagawa. Ang pagtalungko ay isang uri ng tagisan ng lakas sa larangan ng palakasan sa pagbubuhat ng mga pabigat. Maaari ring tumalungko na hindi gumagamit ng barbel, sa halip ay itinataas lamang ang mga bisig.