Sa
agham pangkompyuter, ang
stack(patong) ay isang
estruktura ng datos kung saan ang mga elemento ay nakasaayos ng sunod sunod at sinusunod ang konsepto ng
last in first out (LIFO). Ang stack ay may dalawang pangunahing operasyon: ang push(pasok) at ang pop(labas). Ang push ay ang operasyon kung saan naglalagay ng bagong elemento sa ibabaw ng stack. Ang pop naman ay ang pagtanggal ng kasalukuyang elemento na nasa ibabaw ng stack at ang pag babalik nito sa tumatawag na punsiyon. Tandaan na ang mga operasyon na ito ay sumusunod sa konsepto ng LIFO. Ang ilan pa sa mga operasyon na maaaring gawin sa stack ay ang:
- pagbibigay ng inisyal o simulang halaga(initialize) ng stack
- pagsubok kung may laman ang stack
- pagsubok kung puno na ang stack