Ang isang
bituin,
bituwin,
tala,
estrelya, o
lusero ay isang katawan ng plasma sa dakong labas na kalawakan na binibigkis ng sarili niyang balani (grabedad) at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. Ang pagsasanib ng mga nukleyong atomiko ay nabubunga ng enerhiya na tuloy-tuloy na lumalabas sa buong buhay nito. Ang ating Araw ay halimbawa ng isang bituin. Sa Kalawakang Araw natin, lumilibot ang mga tala o
planeta kasama ang ating Lupa. Ang pinakamalapit na bituin sa ating Kalawakang Araw, at ang ikalawang bituin na pinakamalapit sa Lupa ay ang Proxima Centauri. Ito ay may layong 40 trilyong
kilometro. Ito ay 4.2 liwanag na taon o
light years kung saan ang liwanag mula sa bituing ito ay darating sa Lupa pagkaraan ng 4.2
taon.