stress


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Stress
Stress
Ang stress ay salitang ginagamit sa inhinyera at pisika para tukuyin ang katindihan ng puwersa sa isang erya. Ito ay sinusukat sa paghahati (division) ng puwersa na ang karaniwang yunit ay Newton (N) at ng erya na ang karaniwang yunit ay metro kuwadrado (m2). Ang resulta ng yunit ng nasabing paghahati ay Pascal (Pa). Ang karaniwang simbolo nito ay ang letrang Griyego na s. Ang stress sa nasabing paghahati ay maaring hindi ang stress na tunay na nararanasan ng isang bagay. Ito ay nagsisilbi lang na pagtantya sa tindi ng stress dahil average lang ang kinukuha rito. Sa inhinyeriya, ito ay isa sa mga sukatan ng pagiging matibay ng isang bagay. Mas matibay ang isang bagay, base sa stress, kung mas mataas ang stress na kaya nitong maranasan bago masira. Ang pagdesenyo ng mga poste (column) at biga (beam) sa mga bahay at gusali ay nakabase sa konseptong ito. Ang stress ay nahahati sa dalawang simpleng kategorya. Una ay ang aksyal (axial) na stress at ang pangalawa ay ang pumupunit (shearing) na stress.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.
English-Luxembourgish DictionaryDownload this dictionary
stress
v - betounen (e betount; part. betount); stressen (e stresst; part. gestresst)

English to GeorgianDownload this dictionary
stress
მახვილი; ჭიმვა,ძაბვა; ხმის ამაღლება

by Alex Web@lx
English-Frenkisch DictionaryDownload this dictionary
stress 1
n. = stress, spanning, betoning
 
stress 2
v. = betone

Frenkisch-Eng'lisch WordboukDownload this dictionary
stress
n. = stress, pressure