Ang
stroke ay isang mabilisang pag-unlad ng kawalan ng paggana o (mga) tungkulin ng
utak dahil sa pagkaantala o pagkakaroon ng kaguluhan sa daloy ng dugo papunta sa utak. Maaaring sanhi ito ng iskemya (kawalan ng dugo) na dulot ng trombosis o embolismo o kaya dahil sa hemorahe. Bilang resulta, hindi makagawa ng tungkulin ang apektadong bahagi ng utak, na humahantong sa hemiplehiya o kawalan ng kakayahang maigalaw ang sariling isa o marami pang mga sanga (bisig, paa, kamay, hita at iba pa) ng katawan sa isang gilid, kawalan ng kakayahang umunawa (reseptibong apasya) o makalikha ng binabanggit na salita (ekspresibong apasya), o kawalan ng kakayahang makakita sa isang gilid ng saklaw ng paningin (homonimong hemianopsiya). Dating tinatawag ang stroke bilang
aksidenteng serebrobaskular (
cerebrovascular accident o
CVA sa Ingles). Isang uri emerhensiyang medikal ang stroke na maaaring makapagdulot ng permanenteng pinsalang neurolohikal, mga kumplikasyon, at kamatayan. Ang ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing
Oktubre 29.