Sa
matematikal na analisis, ang isang
sukat(measure) ng isang
hanay ang isang sistematikong paraan ng pagtatakda sa bawat angkop na
subhanay ng isang bilang na intwitibong pinapakahulugang sukat ng pang-ilalim na hanay. Sa kahulugang ito, ang sukat ang heneralisasyon ng mga konsepto ng
haba,
area at
bolyum. Ang ang isang partikular na halimbawa ang sukat na Lebesgue sa isang
espasyong Euclidean na nagtatakda ng konbensiyonal na haba, area at bolyum ng heometriyang Euclideano sa mga angkop na
subhanay ng isang
n-dimensiyonal na espasyong Euclidean na
Rn. Halimbawa, ang sukat na Lebesgue ng interbal na [0, 1] sa mga real na bilang ang haba nito sa pang-araw araw na kahulugan ng salita na spesipikong 1.