Ang sulat Arabo ang sistemang panulat ng maraming wika ng Asya at Aprika tulad ng Arabo, Persiyano (maliban sa Tayikistan, kung saan ang alpabetong Siriliko ang kasalukuyang ginagamit), at Urdu. Kasunod ng alpabetong Latino, ito ang sistemang panulat na may pinakamalawak na paggamit. Sinusulat ito mula kanan pakaliwa.