Ang
pagsusulat ay isang paglalarawan ng
wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa
larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at
pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.