Ang
kawal,
sundalo, o
suldado (Ingles:
soldier, Kastila:
soldado) ay tumutukoy sa isang kasapi o miyembro ng panglupang kumponente o bahagi ng
pambansang sandatahang lakas o
puwersa. Ngunit tinatawag na mersenaryo (Ingles:
mercenary) ang isang kawal na hinirang at binabayaran para sa paglilingkod sa loob ng isang dayuhang
hukbong pangkatihan. Sa karamihan ng mga wika, kabilang sa mga kawal ang komisyonado at hindi komisyonadong mga opisyal na nasa loob ng pambansang puwersang panglupa.