Ang mga
sungay ay mga tangkay sa ulo ng ilang mga hayop na naglalaman ng
keratin at iba pang protina na bumabalot sa buhay na buto. Ang mga tunay na sungay (
true horns sa Ingles) ay matatagpuan lamang sa pamilya ng mga
baka (
Bovidae; mga
kalabaw,
kambing,
tupa atbp.); gayumpaman, ang katagang "sungay" ay maaari ring tumukoy sa mala-sungay na usbong sa ulo ng mga
usa (mga
antler) o sa pisngi ng mga
elepante (mga
tusk).