Ang
sutla o
seda ay isang uri ng tela. Ito rin ang tawag sa anumang damit o kasuotang yari mula sa ganitong uri ng tela. Tinatawag ding sutla o seda ang
buhok ng bunga ng
mais. Sa larangan ng pagtetela o industriya ng tela, isa itong likas na hibla o pibrang gawa ng mga uod ng sutla o bulati ng sutla (kilala sa Ingles bilang
silk worm). Batay sa kasaysayan, nanggagaling ang sutla mula sa
Tsina at napakamahal ng halaga nito.