Ang mga
Synapsida na kasingkahulugan ng mga
theropsid ay isang pangkat ng mga hayop na kinabibilangan ng mga
mamalya at bawat hayop na mas malapit na nauugnay sa mga
mamalya kesa sa mga
amniota. Ang mga ito ay madaling maihihiwalay mula sa ibang mga amniota sa pagkakaron ng mga ito ng isang temporal fenestra na isang bukasan na mababa sa bubong ng bungo sa likdo ng bawat mata na nag-iiwan ng isang mabutong akro sa ilalim ng bawat isa. Ang mga primitibong synapsida ay karaniwang tinatawag na mga
pelikosauro. Ang mga mas maunlad na tulad ng
mamalya ang mga
therapsida. Ang mga hindi mamalyang mga kasapit nito ay inilalarawan bilang
mga tulad ng mamalyang reptilya sa klasikong sistematika ngunit tinutukoy bilang mga
tangkay na mamalya sa ilalim ng terminolohiyang kladistiko. Ang mga synapsida ay nag-
ebolb mula sa mga basal na
amniota at isa sa dalawang mga pangunahing pangkat ng kalaunang mga amniota. Ang isa ang mga
sauropsida na isang pangkat na kinabibilangan ng mga modernong
reptilya at
ibon. Ang natatanging temporal fenestra ng mga synapsida ay nag-ebolb sa ninunong synapsida mga 324 milyong taon ang nakalilipas sa panahong
Pennsylvaniyano sa Huling
Karboniperoso. Ang mga synapsida ang mga pinakamalaking
pang-lupaing bertebrado sa panahong
Permiyano 299 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng halos lahat na mga pangkat na nabubuhay sa panahong ito, ang mga bilang at pagkakaiba nito ay malalang nabawasan sa Pangyayaring ekstinksiyon na Permiyano-Triasiko. Bagaman ang ilang espesye ay nagpatuloy sa panahong
Triasiko, ang mga
arkosauro na mga hindi-mamalyang synapsida ay tumagal ng mas mahaba sa Triasiko bagaman ang mga nakapagpatuloy na mga synapsida ay nagpatuloy hanggang sa panahong
Kretaseyoso. Gayunpaman, bilang isang unit na pilohenetiko, ang mga ito ay kinabibilangan ng mga mamalya bilang mga inapo nito at sa kahulugang ito, ang mga synapsida ay labis pa ring isang nabubuhay na pangkat ng mga
bertebrado. Pagkatapos ng pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene, ang mga synapsida sa anyo ng mga mamalya ay muling naging pinakamalaking mga hayop na pang-lupain.