Sa
lingguwistika, ang
palaugnayan o
sintaks ay ang sangay ng
balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap. Nagmula ang salitang
sintaks sa Ingles na
syntax na nagmula naman sa Sinaunang
wikang Griyegong "pagkakaayos" mula sa
syn, "magkasama", at
táxis, "isang pagsusunud-sunod"). Ito ang pag-aaral ng mga prinsipyo at mga patakaran sa pagbubuo ng mga
pangungusap sa loob ng likas na mga wika. Maaari ring tumukoy ang salitang
palaugnayan sa mismong mga batas o patakaran, katulad ng "palaugnayan ng isang
wika". Ang makabagong pananaliksik sa palaugnayan ang sumusubok na ilarawan ang mga wika ayon sa ganitong mga panuntunan, at, para sa maraming mga tagapagsagawa, upang makahanap ng pangkalahatang mga patakarang magagamit sa lahat ng mga wika.