Ang
tag-init o
tag-araw ay isa sa apat na panahon. Ito ang pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon, kaya't nagiging o tinatawag ding
tagtuyot kung minsan. Matatagpuan ang apat na panahon sa mga pook na hindi gaanong mainit o hindi gaanong malamig. Nagaganap ang tag-init sa hilaga at timog na mga gilid ng
mundo sa magkabilang mga panahon ng
taon. Sa Hilagang Hemispero, nangyayari ang tag-araw sa pagitan ng mga buwan ng
Hunyo at ng
Setyembre. Sa Timog na Hemispero, nagaganap ito sa pagitan ng
Disyembre at ng
Marso. Dahil ito sa kapag tumuturo patungo sa araw ang Hilagang Hemispero o hilagang bahagi ng mundo, tumuturo naman ang Timog na Hemispero palayo sa araw.