Ang
pananahi ay isang gawain o hanap-buhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang
mananahi ang mga tela o katad upang makabuo ng isang damit, sapatos, o anumang bagay na maisusuot o may iba pang paggagamitan. Tinatawag na
modista ang babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon. Malimit na damit pambabae lamang ang tinatahi ng mga modista, katulad ng mga damit na pang-
kasal. Samantalang
sastre naman ang tawag sa lalaking mananahi na kalimitang gumagawa ng mga damit na panlalaki tulad ng polo, salawal,
Barong Tagalog, at pantalon. Marunong ding magsulsi ang mga mananahi.
Patahian ang tawag sa gawaang pag-aari ng mga mananahi.