Ang
talaang peryodiko (Ingles:
periodic table) na tinatawag ding
talaang peryodiko ni Mendeleev, ay nagtatala ng mga
elementong kimikal sa isang maayos na paraan. Si
Dmitri Mendeleev ang unang nagdisenyo ng talaang ito na kung saan ang mga elemento ay iniayos ayon sa estrukturang
elektron upang matunghayan ang katangiang kimika nila. Makikita sa talaan ang
atomikong bilang at
simbolong kimikal ng mga elemento.