Ang isang
talampakan (Ingles:
foot kapag isahan,
feet kapag maramihan; may sagisag o daglat na
ft o
' (ang simbulo ng primo) ay isang yunit ng
haba na inilarawan o binigyan ng kahulugan bilang hustong 0.3048
m at ginagamit sa imperyal na sistema ng mga yunit at kustomaryong mga yunit ng Estados Unidos. Hinahati pa ito upang maging 12
mga pulgada (mga
inch sa Ingles).