Ang mga
taliptip ay uri ng matitigas na mga hayop sa dagat na may kabibe o krustaseanong pangkaraniwang kumakabit sa nakalubog na mga bagay, katulad ng ilalim ng mga barko, mga poste, at mga batong nasa ilalim ng dagat. Mga artropoda ang mga ito na kabilang sa inpraklaseng
Cirripedia na nasa loob ng subpilum na
Crustacea, kaya't kamag-anakan sila ng mga
alimango,
alimasag, at mga
ulang.