Ang
tangke o
kalaboso ay isang makinang pangdigmaan o panggiyera, o behikulong may baluti na panglaban upang mapagsanggalang o maprutektahan ito mula mga tama ng bala ng mga baril, mga
misil, at mga
kanyon ng kalaban, habang nakikipagsagupaan. Mayroon itong mga pinak o pangtugaygay na nakabalot sa mga gulong upang makatawid ito sa magagaspang na mga daanan o lupain, at upang mapalawak ang nasasakupan ng timbang nito. Karamihan sa mga tangke ang may malalakas na mga baril at isa o mahigit pang mga
makinang baril.