Ang
tanso,
kobre, o
tumbaga (,
Ingles:
copper) ay isang
elementong kimikal. Mayroon itong
atomikong bilang na 29 at may simbolong
Cu (mula sa salitang
cuprum ng
Latin). Kabilang din sa pag-aaring katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong timbang na 63.54, punto ng pagkatunaw na 1,083 °C, punto ng pagkulong 2,595 °C, espesipikong grabidad na 8.96, at
balensyang 1 at 2. Isa itong malambot at madaling mahubog na kulay
kapeng metal, at isa ring magandang konduktor ng kuryente. Ginagamit ito sa paggawa ng mga kawad ng kuryente, sa mga tubo ng tubig, at hindi kinakalawang na mga piyesa ng makinarya, partikular na kapag hinalo sa ibang mga metal upang maging
bronse.